Advertisers

Advertisers

DOT pinagpapaliwanag ang hotel na pinagdausan ng party…DACERA ‘RAPE-SLAY’ CASE ‘SOLVED’ – PNP

0 411

Advertisers

ITINUTURING ng Philippine National Police (PNP) na “solved” na ang kaso sa pagkamatay ni Christine Angelica Dacera, ang 23-anyos PAL stewardess na natagpuang walang malay sa loob ng isang hotel sa Makati City, nitong Enero 1, 2021.
Ayon kay PNP Chief, Director Gen. Debold Sinas, kasunod ito ng pagkakaaresto kina John Pascual dela Serna III, 27; Rommel Daluro Galida, 29; at John Paul Reyes, 25, na mga kasama ni Christine nang mangyari ang krimen.
Kinasuhan na ang tatlo ng rape with homicide sa isinagawang inquest proceedings sa Makati City Prosecutors Office nitong Lunes.
Pinangalanan narin ni Sinas ang siyam iba pang kasama ng biktima bago ito matagpuang walang buhay.
Kabilang sa mga pinaghahanap ngayon ng mga otoridad sina Gregorio Angelo de Guzman; Louie de Lima; Clark Jezreel Rapinan; Rey Englis; Mark Anthony Rosales; Jammyr Cunanan; Valentine Rosales; Ed Madrid; at nagngangalang Paul.
Naniniwala ang pulisya na may foul play na naganap nang makita ang lacerations at sperm sa genitalia ng biktima, maliban pa sa mga pasa, contusions, at kalmot sa kanyang braso at hita.
Sa ngayon, sinabi ni Makati City Police Director, Col. Harold Depositar, na hinihintay pa nila ang pinal na autopsy findings at toxicology report sa labi ni Dacera.
Sinabi ni Depositar na kinasuhan ang lahat ng kasama ni Dacera sa party noong bisperas ng Bagong Taon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, magkakasama ang mga suspek at biktima sa New Year’s Eve party sa City Garden Hotel sa Kalayaan Avenue, Barangay Poblacion, Makati City.
Lumalabas din sa imbestigasyon at sa kuha ng CCTV footage na unang kasama ni Dacera ang kaniyang mga kaibigan pero nagsama naman ang mga ito ng iba pa na hindi kilala ng biktima.
Sa kuha parin ng CCTV, makikita na palipat-lipat ang 11 lalaki sa dalawang silid na okupado ng grupo. At nasapol din ng CCTV ang eksenang buhat-buhat ng mga lalaki si Dacera papasok sa isa sa mga kuwarto.
Nang tanungin kung ano ang basehan ng pagsasampa ng kasong rape with homicide, sinabi ni Depositar na: “The victim had lacerations and sperm in her genitalia.”
May mga pasa rin at galos sa kanyang kamay at binti, wika ni Depositar.
Dagdag pa ni Depositar, wala silang nakita na hinatak o pinilit ng mga suspek ang biktima na pumasok sa ibang kwarto pero makalipas aniya ang ilang sandali ay hindi na lumabas si Dacera.
Ang Makati Medical Center ang nag-report sa pulisya ng Makati City sa pagkamatay ni Dacera. Tatlong kaibigan niya at isang hotel staff ang nagsugod dito sa ospital nang matagpuang walang malay sa bathtub ng hotel.
Lumalabas sa autopsy report na ruptured aortic aneurysm o naputukan ng ugat ang ikinamatay ng biktima.
Pero may pagdududa ang Makati Police na may foul play sa pangyayari.
Aalamin din ng mga awtoridad kung may inihalo sa inumin ng biktima.
Kuwento naman ng inang si Sharon Dacera, nagpaalam ang kanyang anak noong Disyembre 31 na dadalo sa year-end party sa isang hotel sa Makati kasama ang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho at tumawag pa ito noong madaling-araw ng Enero 1 para bumati.
“Nag-invite sila ng friends of friends, something like that, ‘no, and I think most if not all are gays also, bisexual, and then they had a party starting mga 10 or 11:30. It continues until the following morning,” anang opisyal.
Pinagpapaliwanag naman ng Department of Tourism (DOT) ang pamunuan ng hotel sa Makati City sa nangyari kay Dacerna.
Sa ipinalabas na show-cause order ng DOT, inatasan nito ang City Garden Grand Hotel na magsumite ng written explanation kung bakit hindi dapat suspindihin ang kanilang operasyon dahil sa mga posibleng paglabag.
Ayon sa DOT, alinsunod sa kanilang administrative order No. 2020-002-C, hindi maaaring tumanggap ng accommodation para sa leisure purposes ang mga establisyimento sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) na ginagamit bilang quarantine o isolation facility.
Pili lamang din ang maaaring tanggaping guests batay narin sa isinasaad ng Section 24 ng nabanggit na kautusan basta’t pasok lamang sa pinapayagang bilang.
Kinakailangang isumite ng naturang hotel sa DOT ang kanilang paliwanag sa loob ng tatlong araw.