Advertisers

Advertisers

PNP nanindigan ginahasa si Dacera; mga suspek sa rape-slay case posibleng madagdagan pa

0 317

Advertisers

KINUMPIRMA ni PNP chief Gen. Debold Sinas na ginahasa ang flight attendant na si Christine Angelika Dacera.
Ayon kay PNP chief Sinas, base sa lumabas na medico legal report present ang lahat ng elements na ni-rape ang biktima kaya maituturing na rape-slay case ang kaso ni Christine.
Isinampa na rin ang inisyal na kaso sa piskalya.
Ibinunyag din ni Sinas na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga suspek batay na rin sa mga nakuhang CCTV footages.
Sa ngayon tatlong suspek ang nakakulong habang walo ang at-large.
Personal namang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya Dacera si Sinas at kaniyang kinausap ang pamilya hinggil sa progreso sa kaso ni Christine.
Una nang binigyan ng ultimatum ni Sinas ang mga suspek na sumuko sa loob ng 72 hours kung hindi ay gagamitan na sila ng pwersa ng PNP.
Siniguro ni Sinas sa pamilya na hindi nila palalagpasin ang kaso at kanilang sisiguraduhin na mananagot ang mga suspek.
Nagpapatuloy pa rin sa ngayon ang imbestigasyon ng mga police investigators at maging ng PNP Crime Laboratory (SOCO).
Ipinag-utos na rin ni Sinas sa CIDG na agad maglunsad ng manhunt operation laban sa mga suspek para iimplementa ang subpoena. (Mark Obleada/Gaynor Bonilla)