Advertisers

Advertisers

Parusang ‘bitay’ nabuhay dahil sa Dacera case

0 318

Advertisers

MULING binuhay ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang kanyang panawagan para sa muling pagpapataw ng parusang kamatayan kasunod ng umano’y panggagahasa at pagpaslang sa 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera.
Nanindigan si Barbers na dapat patawan ng capital punishment ang mga krimen na may kaugnayan sa iligal na droga.
Sakali man aniyang totoo na ginahasa si Dacera bago ito pinatay gaya ng sinabi ng mga pulis, tanging ang isang tao na naka-droga ang makakagawa ng krimen na ito.
Si Barbers ay isa sa mga pangunahing may-akda ng House Bill No. 4727 na naglalayong buhayin ang pagpataw ng parusang kamatayan sa pitong drug-related offenses na inaprubahan ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa noon pang 17th Congress.
Muling inihain niya ang kahalintulad nitong panukalang batas ngayong 18th Congress matapos na bigong maaprubahan ng Senado ang orihinal na panukala.
Ayon kay Barbers, 70 percent ng rape cases ay ginagawa ng mga indibidwal na nasa ilalim ng impluwensya ng iligal na droga.
Kaya naman ang mga indibidwal na isinasangkot sa pagkamatay ni Dacera ay dapat aniyang sumailalim sa drug test para matukoy kung totoo ngang gumagamit sila ng iligal na droga.
Gayunman, umapela si Barbers sa mga tutol sa revival ng death penalty na maging bukas sa anumang diskusyon.