Advertisers

Advertisers

Mag-utol, nalitson ng buhay sa QC

0 233

Advertisers

NASAWI ang magkapatid nang ma-trap sa nasunog na bahay sa Matahimik St., Barangay Malaya, Quezon City nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Mariah Maxine Lee, 24; at Isabel Francesca Lee, 10-anyos.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog bago mag-6:00 ng umaga at umabot sa unang alarma.
Naapula ang apoy matapos ang nasa kalahating oras.
Ayon pa sa BFP, nagmula ang sunog sa mini bar sa ilalim ng hagdanan na ginawang storage area.
Hindi na nakababa ang magkapatid na nasa kuwarto sa mezzanine ng bahay nang mangyari ang insidente.
Nakaligtas naman ang 66-anyos na ama at lalaking kapatid ng mga biktima.