Advertisers

Advertisers

Covid update: 44 gumaling; 139 nasawi; 1,524 bagong kaso

0 254

Advertisers

PUMALO na sa 491,258 ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa Pilipinas matapos makapagtala pa ng bagong 1,524 na mga kaso nitong Martes, Enero 12.
Umabot naman sa 458,172 ang total recoveries makaraang madagdagan ng 44 na gumaling sa naturang sakit.
Habang 139 naman ang nadagdag sa mga pumanaw dahilan para maging 9,554 na ang kabuuang Covid-19 deaths.
Kasalukuyan namang nagpapagaling ang 23,532 pang mga aktibong kaso.
Nanguna ngayon ang Davao City sa mga probinsya at siyudad na may mataas na naitalang mga kaso na 137.
Sinundan ng Quezon City na may 109; Rizal, 92; Davao del Norte, 53 at Cebu City, 51.
Muling iginiit ng DOH na ayon sa genome sequencing na isinagawa ng Philippine Genome Center noong isang linggo, walang na-detect na Covid-19 variant sa mga specimens.
Nagsasagawa ulit ng panibagong sequencing at lalabas ang resulta nito bago matapos ang linggo. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)