Advertisers
NAARESTO ng operatiba ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang dalawa sa most wanted criminals sa Metro Manila sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City at Maynila.
Kinilala ang mga natimbog na sina Arnold Laog “alias Kambal”, No. 5 most wanted person; at Jerson Bañadera, 37, taga Filito, Camarin, Caloocan City, No. 10 most wanted.
Na nadakip si Laog 10:25 ng umaga sa Gate 12 ng Parola Compound, Tondo, Manila ng operatiba ng NCRPO.
Samantalang si Bañadera ay nadakip ng 9:00 ng umaga sa HY2 Steel Trading, Sampaguita St., Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik, Novaliches, Quezon City.
Si Bandera ay nahaharap sa kasong panggagahasa sa sala ni Judge Catherine P. Manodon ng Regional Trial Court (RTC), Branch 104, Quezon City.
Samantalang si Laog ay miyembro ng ‘Dragon Gun for Hire at Drug Group’ sa Tondo at Binondo, na nadakip din sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila RTC. (Gaynor Bonilla)