Advertisers

Advertisers

CEBU GOV. BARICUATRO, MAKASAYSAYAN ANG PANALO; DR. SAMUEL CELI TAN, INUULAN NG PAPURI SA FB

0 40

Advertisers

Nakahuntahan namin kamakailan lamang ang aming matagal nang kaibigan na si Atty. Ferdie Topacio at buong pagmamalaki niyang ikinwento kung gaano ka-historic o makasaysayan ang pagkakapanalo ng ngayon ay Cebu Governor Pamela “Pam” Baricuatro, matapos niyang maitumba ang isang ‘pader’ sa posisyon na si dating Governor Gwen Garcia.

Ang kanyang nakalaban ay isang itinuturing na ‘higante’ pagdating sa Cebu politics. Si Garcia ay naging gobernador noong 2004-2013; Congressman mula 2013-2019 at muli ay gobernador mula 2019-2025.

Si Baricuatro naman ay di na bago pagdating sa pagseserbisyo sa publiko. Isa itong pilantropo na tahimik lamang na tumutulong sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng Simply Share Foundation na kanyang itinatag noong 2015 at nagbigay-daan sa unang food bank sa Visayas. Aktibo itong natulong sa relief efforts sa oras ng kalamidad sa lalawigan.

Sa pagwawagi ni Gov. Baricuatro, maliwanag na nakaguhit talaga para sa kanya lahat ng nangyari, dahil ang plano talaga nito ay tumakbo bilang Congressman sana ng third district ng Cebu, habang ang kanyang malapit na kaibigang si Rowena Burden, na kritiko ni Garcia, ang siyang sasabak sana bilang kandidato sa pagka-governor.

Gayunman, pumanaw si Burden noong December 15, 2023, kaya napilitan si Baricuatro na siya na ang humalili sa kanyang kaibigan. Naghain siya ng certificate of candidacy bilang kandidato sa posisyong Cebu governor sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino kung saan siya ay secretary-general dati, na ang tanging puhunan ay ang kanyang imahe bilang “the people’s governor” at kaalyado ni dating President Rodrigo Duterte.

Buong-pagmamalaking ikinuwento ni Atty. Topacio na si Gov. Baricuatro ay tumakbo at nanalo nang walang malaking makinarya o salapi at sa katunayan ay wala pang 400 ang watcher nito na napakaliit lamang ang budget, para sa mahigit na 4,100 precincts sa Cebu.

Hanggang sa nito ngang May 12, 2025, ay nahalal si Baricuatro bilang Cebu governor na nakakuha ng mahigit sa 1.1 million votes at may kalamangan na higit 300,000 votes kay Garcia.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Di lamang basta nanalo si Baricuatro. Dinurog niya ang imaheng ‘pader’ ni Garcia, gayundin ang dati ay tinatawag na ‘One Cebu’ na nakakapag-akyat daw ng isang milyong boto sa sinumang kandidato na dala ni Garcia sa Cebu. Congratulations!!!

***

DR. SAMUEL CELI TAN NG ST. LUKE’S, INUULAN NG PAPURI—Marami ang papuring patuloy na tinatanggap ni Dr. Sam Tan ng St. Luke’s mula sa kanyang mga pasyente na pawang nagpapasalamat sa kanyang pagiging magaling, maasikaso at tunay na makatao. Si Dr. Sam Tan ay surgical oncology doctor na nagii-specialize sa advanced laparoscopic and robotic surgery cytoreductive surgery and HIPEC at nagki-klinika sa St. Luke’s sa Quezon City at BCG.

Sa kanilang Facebook post, nagpahayag ng pasasalamat at papuri ang kanyang mga pasyente. Kabilang na diyan si Vhim Baldovino na nagsabing, “best doctor ever. highly recommended, sobra bait at higit sa lahat, sobra ang Galing.. after one week, opera back to normal. sobra dami nagsabi na parang di daw ako naoperahan. isa lang sagot ko— magaling kasi doktor ko.

Ayon naman kay Lourdes Ann Vigilia Gonzales, “the best doctor si dr. sam tan. mabait, super accomodating at ramdam mo talaga ang real care niya sa patients niya. not the type of doctor na nag-oovercharge and super transparent niya sa lahat ng charges. may lab chole operation even needed hernia repair sa may pusod ko my doctor did that repair free of charge na rin. doctor sam tan is so professional and experienced doctor, kasi sa case ko na sobra maga at malaki na stones din sa gall bladder, nagawa pa din ni doc sam ang lab chole na baka nauwi na sa open chole if sa other hospital or doctor ako nagpa-opera. i highly recommend doc sam tan for all planning to proceed now with their GS surgery.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.