Advertisers
MATAPOS ang paggunita sa kapistahan ng Poong Itim na Nazareno, ang kapistahan ng Poong Sto. Niño de Tondo naman ang susunod na babantayan.
Ayon sa Archdiocesan Shrine of Sto. Niño, ipagbabawal rin nila ang prusisyon at motorcade sa Linggo na nakasanayan nang isinasagawa.
Taon-taon ay dinarayo ang simbahan ng mga debotong may bitbit ng kanilang mga imahen ng Sto. Niño at ipinaparada ito sa kalsada sa Tondo.
Ngayong taon, hindi rin isasagawa ang pagbabasbas sa mga imahen sa labas ng simbahan para maiwasan ang pagkukumpulan ng mga deboto, bagkus sa loob ito gagawin kungsaan magpapatupad lamang ng 30% kapasidad.
Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, katulad nang sa Quiapo ay hindi rin ikakansela ang physical masses sa Tondo Church.
Samantala, sa Basilica Minore de Cebu kinansela na nila physical masses sa loob ng simbahan sa Cebu simula nitong Martes hanggang sa pista sa Linggo.
Tanging ang online mass sa Facebook ng Basilca Minore del Santo Niño de Cebu ang isasagawa. (Jocelyn Domenden)