Advertisers
LAGUNA – Pinasok at pinagnakawan ng anim na armadong lalaki ang isang bahay sa Laguna, kungsaan tinangay din ng mga ito ang dalawang residente at kotse ng mga biktima sa Southview Homes Subdivision I, Barangay Pacita 2, San Pedro City, Linggo ng gabi.
Sa inisyal na ulat ni Laguna PNP Public Information Officer (PIO) Lt. Col. Chitadel Gaoiran, ang mga biktima ay kinilalang sina , 24; Rufa Arisco Bantog, 19, estudyante;Jonathan Flores David, 29; at Vins Flores, 20, binata, pawang residente ng nasabing lugar.
Nabatid na 8:30 ng gabi nang puwersahang pinasok ng mga salarin na nakasuot ng kulay itim na pantalon, jacket, bullcap at armado ng matataas na kalibre ng baril ang bahay ng mga biktima.
Sa ulat, ang mga biktima ay tinalian ang kanilang mga kamay ng kawad ng chellphone charger. Tinangay ng mga magnanakaw ang mamahaling alahas, laptop (Acer), Iphone (Promacs/10 Max), cellfones, 2 ATM cards, driver license, 12 pares ng Nike na sapatos at cash na mahigit P50,000.
Dinala rin ng mga magnakaw sa pagkatakas sina David, live-in-partner ni Bartolome, at Vins Flores gamit ang sasakyan ng mga biktima na kulay dark gray Fortuner model 2018 at may plakang 2090.
Nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat at paghahanap ng pulisya sa dalawang kinidnap at sa kanilang sasakyan.
(Dick Garay)