Advertisers

Advertisers

‘House to house’ covid vaccination sa vulnerables – DOH

0 273

Advertisers

BALAK umano ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng “house-to-house” vaccination para sa mga vulnerable at high-risk senior citizens na kasama sa priority list ng pamahalaan para sa COVID-19 vaccination program.
Sa pagdinig ng House Committee on Health sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na posibleng gawin ang “house-to-house” vaccination.
Baka lamang kasi na mahirapan ang mga napapabilang sa mga sektor na ito sakaling papuntahin pa sila sa mga vaccine sites, kaya kung maari ay dadalhin na lamang ang bakuna sa kanilang bahay mismo.
Nauna nang sinabi ni Duque na 4,512 na lugar ang natukoy nila na gawing vaccination points sa buong bansa.
Ang modelo na ito ay kahalintulad aniya nang sa mga election poll sites at gagamitin dito ang mga medical centers at rural health facilities.
Bawat site ay magkakaroon ng tatlong vaccination teams.
Ang bawat team ay layong makapagpabakuna ng 100 katao kada araw.
Ang mga babakunahan ay kailangan na magparehistro, sumailalim sa pre-vaccination education at counseling, at screening at medical history review bago pa man turukan ng COVID-19 vaccine.
Pagkatapos nito ay tatanggap sila ng immunization card, at sasailalim sa post-vaccination monitoring at surveillance. (Josephine Patricio)