Advertisers
SUGATAN ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Barangay Simlong, Batangas City Linggo ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Jeric De Castro, at ang namaril ay kinilalang si Adora.
Sa ulat ng Batangas Police, 10:00 ng gabi nang mangyari ang pamamaril kay De Castro.
Ayon sa ulat, sinugod ni Adora si De Castro sa isang vulcanizing shop sa Barangay Simlong at kinumpronta dahil sa nawawalang panty ng kanyang misis.
Sa pagtatalo, nabaril ni Adora ang biktima sa kanyang likod at kaliwang paa gamit ang hindi pa matukoy na baril.
Agad namang naisugod sa Batangas Medical Center ang biktima, habang nakatakas si Adora na target ngayon sa manhunt operation ng pulisya. (Mark Obleada)