Advertisers

Advertisers

Para magtiwala ang publiko sa bakuna: UNAHIN TURUKAN SI DUTERTE – VP ROBREDO

1 280

Advertisers

IPINUNTO ni Bise Presidente Leni Robredo na kailangan unahing turukan ng COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte upang maibalik ang tiwala ng mga Pilipino sa bakuna.
Pahayag ito ni VP Leni sa gitna ng mga samu’t-saring opinyon ukol sa kung saang bansa manggagaling ang unang supply ng bakuna na darating sa Pilipinas, at mababa pa ring kumpiyansa ng publiko sa bakuna.
Base sa pinakabagong Pulse Asia survey, nasa 50% daw ng mga Pilipino ang hindi interesadong magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Puntirya pa ni VP Leni, sa lahat ng pagkakataon ay dapat naman talagang nahuhuli ang mga opisyal dahil kapakanan ng publiko ang una sa listahan ng konsiderasyon, pero iba raw na usapin ang bakuna.
Kaya naman kung susundan ni Duterte ang yapak ng ilang state leaders na nagpaturok ng bakuna ay baka bumalik umano ang tiwala ng mga Pilipino sa bakuna.
“Ibang usapan iyong vaccine dahil ang baba nga ng confidence ng tao sa pagpapabakuna. So makakatulong na kung sino iyong tinitingala nila eh makita nila, ipakita sa kanila na walang dapat ipangamba, ” ani pa ni VP Leni.
Una nang sinabi ni Duterte na handa siyang magpaturok ng COVID-19 vaccine. Kung siya raw ang tatanungin, gusto niyang mabakunahan ng gawang Russia at China.
Ngunit kamakailan binawi rin ito ng Pangulo at sinabing mas gusto na lang niyang mahuling mabakunahan. (Josephine Patricio)