Advertisers

Advertisers

Bilang ng mga nahawaan ng covid-19 noong Kapaskuhan tumaas

0 229

Advertisers

SUMIRIT ang kaso ng COVID-19 noong nagdaang Kapaskuhan.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na 14 na araw matapos ang Disyembre 24, 2020 ay nakapagtala ang IATF ng pagsipa ng kaso ng coronavirus.
Ang magandang balita naman sa kabilang banda sabi ni Roque ay muling bumaba ang bilang kaso pagkalipas ng Disyembre 24.
Ayon kay Roque, ang hinihintay nila ngayon ay kung aangat din ang kaso ng COVID-19 na araw pagkalipas ng Disyembre 31 gayundin ang ika-labing apat na araw makalipas ang traslacion.
“Sana lang ay huwag bumaba ang bed capacity sa sandaling lumabas na ang pigura ng mga papasok na datos sa bisperas ng Bagong Taon at Traslacion,” pahayag ni Roque. (Vanz Fernandez)