Advertisers

Advertisers

Lalaking sa drug watchlist tinumba sa Tondo

0 221

Advertisers

HULI sa CCTV ang pagpatay sa isang lalaki na nasa drug watchlist ng pulisya sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Rolando delos Reyes, 46-anyos.
Sa video, makikitang naglalakad ang isang lalaki nang pagbabarilin ng riding in tandem sa kanto ng Pacheco at Madrid Streets nitong Lunes ng gabi.
Bagama’t nakahandusay na ang biktima, binaril parin ito ng isa pang riding in tandem na dumating.
Ayon sa ulat, user si Delos Reyes ng iligal na droga kaya kasama ito sa drug watchlist ng Barangay 67.
Inaalam pa ng pulisya kung sangkot si Delos Reyes sa pagbebenta ng iligal na droga at kung may kinalaman ito sa pagpatay sa kaniya.(Jocelyn Domenden)