Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
TOTOO na last episode na last Sunday ang Sunday Noontime Live na marami ang nakapansin na hindi na nila napanood si Piolo Pascual nitong mga huling linggo.
‘Yun daw ay dahil four Sundays lang ang commitment ni Papa P sa show.
Before 2020 Christmas, hindi na napapanood si Papa P sa SNL at hindi raw totoo na nagbakasyon lang ito sa show dahil hindi naman ito umaalis ng bansa.
Anyway, babalik na sa ABS-CBN si Piolo at ang balita ay may gagawin siyang teleserye. HIndi ito ang serye na pagsasamahan nina Papa P at KC Concepcion dahil hindi na ito mangyayari. Marami pa raw puwedeng ipareha sa actor na hindi magiging controversial ang dating.
Ang hindi pa totoo ay ang balitang mawawala na rin ang Sunday Kada. Magtutuloy-tuloy pa rin ang show na idinidirek ni Edgar Mortiz. Season ender lang daw ang ipinalabas last Sunday. Magbabalik ang show na mas magiging exciting at more laughter sa hinaharap.
***
SA latest post ni Gladys Reyes ay nakakangiti na ito dahil sa tagumpay ang angioplasty operation ng kanyang ama. Takot na ibinalita nito noong isa araw na sa halip na angiogram, angioplasty ang ginawang opersyon sa ama.
“Our prayers are answered!! It was a successful angioplasty by Dr. Remus Batilaran, Dr. Miranda and their team. Thank you also to his cardio, Dr. Rodolfo for monitoring my papa since day one 9 hours of waiting and praying paid off!! I didn`t want to leave because I wanted to make sure, my papa will see me after.
“Thank you to these awesome people who gave me comfort and making sure I was ok. Thank you so much to all your kind words, encouragement from my family, friends who pm`d, even those I don`t know personally, sending DMs, I really appreciate it so much. God is indeed in control. I don`t know how I was able to surpass all the rollercoster of emotions being in this situations. But I`m grateful!!! Praying for your fast recovery,” post ni Gladys.
Ngayon ay payapa na ang kalooban ni Gladys at hinihintay na lang nila ang tuluyang paggaling ng ama.
***
IPINAKITA ni Coney Reyes sa Instagram ang location lock-in taping ng teleserye nila sa GMA 7 nina Carla Abellana at Rhian Ramos na Love of My Life. Pati ang location ng tinitirhan nilang hotel sa Tagaytay.
Mapapansin sa room ni Ms. Coney na puno ito ng pagkain, iba`t ibang drinks at ipinasilip din niya ang bitbit na mini-cooker na ginaya niya kina Carla at Rhian.
Starting on Monday, magsisimula nang mapanood ang fresh episdes ng Love of My Life. Pero dahil sa pandemic ay hindi na pinabalik sa taping ng serye ang senior actress na si Geleen Eugenio at ang dalawang child actor.