Advertisers
Advertisers
Advertisers
Cagayan – Dead on the spot ang tatlo katao habang isa ang nasa kritikal na kondisyon nang magsalpukan ang isang closed van at motorsiklo sa Barangay Roma Norte, Enrile, Cagayan.
Nakilala ang mga nasawi na sina Michael Alasca, 20 anyos; Mark Angelo Alasca ,21, at Roel Lazaro,16, pawang magsasaka at residente ng barangay Roma Norte.
Kritikal naman ang tsuper ng van, na isang barangay service, na si Michael Narag, 46, ng Barangay Mabini, Santiago City.
Binabagtas ng closed van ang timog na direksiyon nang umagaw ng linya ang motorsiklo na sinasakyan ng mga nasawi, sanhi para magkabanggaan ang dalawang sasakyan.
Sa lakas ng banggaan ay tumilapon sa sementadong daan ang tatlo at nagtamo ng malubhang mga sugat iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan. Dinala pa ang mga ito sa Cagayan Valley Medical Center ( CVMC ) subalit idineklarang dead on arrival.
Si Narag ay dinala sa St. Paul Hospital sa Tuguegarao City. Nagtamo rin ito ng mga grabeng sugat sa kanyang katawan.
Ang dalawang sasakyan ay nasa kustudiya ng pulisya. – REY VELASCO