Advertisers
NANINDIGAN si Bise Presidente Leni Robredo na handa siyang maunang turukan ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay matapos hamunin ni Sen. Bong Go si Robredo na sabayan ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapabakuna.
Katwiran ni Robredo na hindi na niya kailangang hamunin dahil noong isang buwan pa lamang ay nag-volunteer na siyang maunang magpabakuna kung makakatulong ito para maibalik ang tiwala ng publiko sa pagpapabakuna.
Ngunit binigyan-diin ni Robredo na magpabakuna muna si Pangulong Rodrigo Duterte dahil bilang pinuno ng bansa mas malaki ang hatak nito para maibalik ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna laban COVID-19. (Josephine Patricio)