Advertisers
PATAY ang isang konsehal sa Pinabacdao, Samar nang tambangan sa Barangay Laygayon, Lunes ng umaga.
Sa ulat mula sa Police Regional Office VIII, kinilala ang biktima na si Konsehal Samuel Lagario, 50-anyos.
Sakay si Lagario ng motorsiklo kasama ang konsehal din na si Robert Balundo nang barilin ang biktima ng mga salaring nasa isang sasakyan.
Hindi naman sinaktan si Balundo na pinababa ng mga salarin sa motorsiklo bago pinutukan si Lagario.
Ayon sa report, papunta sina Lagario at Balundo sa sesyon ng konseho nang mangyari ang insidente.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.