Advertisers
TATLONG drug personalities ang nasawi at dalawa ang naaresto sa operasyon ng mga awtoridad sa Midsayap, North Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Talus Baundi, Tata Mamental, at Fahad Angangaw. Naaresto naman sina sina Satar Manticayaw at Hazel Joy Camancho Mamental.
Ayon kay Major General Juvymax Uy, commander ng 6th Infantry Division, 5:00 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na elemento ng 34th Infantry Battalion, Philippine Drug Enforcement Agency, at Midsayaf Police Station sa Barangay Kapinpilan, Midsayap.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng korte laban sa isang Tony Doloan.
Naganap ang engkwentro nang paputukan ng mga suspek ang paparating na mga operatiba, dahilan upang gumanti ng putok.
Tumagal ang bakbakan ng 30 mimuto na nagresulta ng pagkasawi ng 3 drug suspects at pagkakadakip sa 2 iba pa.
Narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng bakbakan ang 7 sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P210,000; 1 M16 rifle, M4 carbine rifle, M14 rifle at 3 motorsiklo.
Wala naman sa bahay ang target ng operasyon na si Doloan nang maganap ang engkwentro.
Ang dalawang naaresto ay nasa kustodiya ng Midsayap Police Station.
(Mark Obleada)