Advertisers

Advertisers

COVID-19 vaccination drive ilulunsad sa Peb. 15

0 204

Advertisers

ISASAGAWA na ang paglulunsad ng COVID-19 vaccination drive sa ating bansa sa darating na Pebrero 15.
Sa virtual press briefing sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na malapit nang dumating ang unang batch ng bakuna.
Gayundin sabi pa ni Roque na sinigurado na nakahanda na ang gobyerno para makapagsimula na sa isasagawang vaccination drive sa nasabing petsa.
Darating na sa bansa ang 10 milyong doses ng COVID-19 vaccine ng global alliance Covax Facility sa1st quarter ng taon kabilang din ang pagdating ng halos 117,000 doses ng Pfizer vaccine ngayong Pebrero. (Vanz Fernandez)