Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MASAYANG biniro si Richard Yap ng kanyang mga tagahanga na talagang simula pa lang daw nang pumasok siya showbiz ay sadyang isa na talaga siyang Kapuso.
Biro pa ng mga ito, naging basehan daw nila ang first big project ni Richard sa Kapamilya Network noon, ang “Please Be Careful With My Heart” kasama si Jodi Sta. Maria, kaya sa paglipat niya sa Kapuso Network, isa raw loyal na Ka-Heart si Richard.
Dagdag pa rito na ang unang teleseryeng gagawin ni Richard sa Siyete,ang “I Left My Heart in Sorsogon” at leading lady niya si Heart Evangelista. May puso pa rin sa pamagat ng serye at bonus na Heart bilang loveteam. What a coincident.
Isa sa dream role ni Richard ang maging komedyante at aliw siya sa istilo ng pagpapatawa ni Michael V. At nang matanong naman ang aktor kung ano kayang role ang feel niyang gawin, walang gatol na sinabi ni Richard na feel niya ang mga maaaksyong eksena at pelikula. Kung sakaling bibigyan daw siya ng pagkakataong makapili ng action role, nais daw niyang makagawa ng mga ala-James Bond 007.
***
BAGO magkaroon ng health crisis sa bansa ay may isang proyekto sanang gagawin si Andi Eigenmann bilang hudyat ng kanyang pagbabalik sa showbiz pagkatapos ng ilang taon ding ‘pamamahinga’, nang maglive-in na sila ng partner na si Philmar Alipayo at pinanganak ang first baby nila.
Marami tuloy ang nagtatanong kung tuloy pa kaya ang movie na dapat gawin ni Andi ngayong pwede na rin naman mag-shooting.
Say naman ng mother ni Andi na si Jaclyn Jose, ngayon ay happy being private na raw si Andi sa piling ng kanyang fiance at nakabuo pa ng isang baby sa gitna ng pandemya, si Ilo.
Dagdag ni Jaclyn, ayon sa kanyang anak ay mas pagtutuunan muna ng pansin ni Andi ang kanyang mga anak, lalo na sa binyag ng bunso nila at pagpapakasal nila ng partner pag naging normal na ang lahat. In short, family first na muna si Andi bago ang karir.
Hindi naman isinasantabi ni Jaclyn ang chance na magbalik-showbiz din ang anak at mas pipiliin na gumawa ng pelikula kaysa serye dahil kakain ng malaking oras niya ang paggawa ng teleserye.
And speaking of marriage, hindi raw buo sa kalooban ni Jaclyn ang pagpapakasal ng anak at ni Philmar. Pero dahil daw sa mga apo niya ay umokey na rin ang aktres.