Advertisers

Advertisers

7 sunod sunod na tagumpay naitala ng Jazz

0 240

Advertisers

UMISKOR si Donovan Mitchell 26 points upang pamunuan ang opensiba ng Utah Jazz sa kanilang ika-pitong sunod-sunod na tagumpay 112-94, laban sa makulit na Miami Heat kahapon sa Salt Lake City.
Nagdagdag si Bojan Bogdanovic ng 19 points at si Rudy Gobert 16 points,12 rebounds at three blocks para sa Jazz. Georges Niang nag-ambag ng 14 points at career-high five assists.
Ang Utah (22-5) ay nagwagi ng 18 sa kanilang huling 19 games mula sa 4-4 start.
Kendrick Nunn kumana ng 20 points para sa Miami,na sumablay ang 11 straight shots sa pagbukas ng third quarter, Jimmy Butler nagdagdag ng 15 points,eight rebounds atfive assists,Bam Adebayo nagtapos ng 14 points,10 rebounds at six assists.
Naputol ang four-game winning streak ng Heat.
Ang susunod na makakalaban ng Heat ay Los Angeles Clippers sa Lunes,habang ang Jazz ay host ang Philadelphia 76ers.