P9B taklobo nalambat sa NegOr.

85

AABOT sa P9 bilyong halaga ng giant clams (taklobo) ang nalambat sa isinasagawang entrapment operation ng operatiba ng CIDG na nakabase sa Negros Oriental, BFAR, Bayawan CPS at 1st PMFC at ng Negros Oriental PPO Biyernes ng hapon sa Brgy. Pagatiban, Bayawan City ng lalawigan.
Nag-ugat ang naturang police operation mula sa impormasyong natanggap ng CIDG kaugnay ng pagbebenta ng taklobo partikular sa Fresh Sunny Botanical Garden compound na diumano’y pag-aari ng isang Taiwanese national.
Sa pamamagitan ng kampanya ng CIDG ang ‘Oplan Kalikasan’, inilarga ang nabanggit na entrapment operation na nagresulta ng pag-aresto sa 45-anyos na si Ricardo Santiana dela Cruz, Jr., nang magbenta ng P5 milyong halaga ng taklobo sa isang police decoy.
Isa umano si dela Cruz sa pinagkakatiwalaang tauhan ng isang Taiwanese national na nagngangalang Yan Hu Liang a.k.a ‘Sunny,’ may-ari umano ng naturang botanical garden at ng mga ‘giant clams kung saan wala ito sa lugar nang mangyari ang operasyon.
Nakumpisa ang 1,000 kilos ng taklobo, (subject of sale) MOL 50,000 kilos ng taklobo (seized in plain view) at entrapment money. Nakuha rin sa posesyon ni Dela Cruz ang caliber 45 pristol, 45 magazines at seven rounds caliber 45 ammunition.
Pansamantalang naka-detine si Dela Cruz sa Bayawan City Police Station at nahaharap sa kasong ‘violation of RA 8550 as ammended by RA 10654 at RA 10591 through inquest proceedings sa Bayawan City Prosecutors Office.
Nahaharap din sa kasong paglabag ng RA 8550 na ammended by RA 10654 ang naturang Taiwanese national.
Pagtalima sa direktiba ni CPNP PGen Debold Sinas, ang matagumpay na operasyon ayon kay CIDG Acting Director PBGEN Albert Ignatus Ferro upang palawigin pa ang pangangalaga sa kalikasan sa marubdob na police operation laban sa mga walang habas na sumisira ng kalikasan.(DS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.