Advertisers
NAKAPAGTALA pa ng mataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) ngayong araw, Pebrero 15.
Sa inilabas na case bulletin, nasa 1,685 na bagong kaso ang naitala ng DOH.
Bunsod nito, umabot na sa kabuuang 550,860 ang tinatamaan ng naturang sakit sa bansa.
Ang mga gumaling naman ay nadagdagan ng 14 kaya umabot na sa kabuuang bilang na 511,755.
Mayroon namang dalawa lamang na bagong pumanaw dahilan para maging 11,517 na ang namamatay sa sakit.
Nasa 27,588 naman ang mga aktibong kaso na patuloy na ginagamot sa mga pasilidad at ospital.
Samantala, isang duplicate lamang ang inalis sa total case count habang dalawang kaso ang na-tag na recoveries ang na-reclassify matapos ang final validation. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)