Advertisers

Advertisers

DOH tiniyak ang vaccine supply sa gitna ng global shortage

0 211

Advertisers

SINIGURO ng Department of Health (DOH) na makakatanggap pa rin ng COVID-19 vaccine ang mga Pilipino sa kabila ng nagkakaubusang supply nito sa buong mundo.
Sinabi ito ng DOH sa gitna ng mga kwestyon kung bakit wala pang dumadating na supply ng bakuna sa Pilipinas.
“Umpisa pa lang, ‘yan na ang problema (that) there is this competition internationally for these vaccines. Alam natin na yung malalaking bansa ay nakauna sa malaking share ng global vaccines,” ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Pahayag ni Vergeire, bukod sa agawan sa supply, nagiging problema rin daw ng gobyerno ang commitment o katapatan ng manufacturers na maghatid ng bakuna sa bansa. Kaya naman hindi lang daw sa isang kompanya nakikipag-usap ang pamahalaan para makakuha ang bansa ng vaccine supply.
Ngayong buwan inaasahang darating sa bansa ang 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine sa pamamagitan ng COVAX Facility, na isang inisyatibo ng World Health Organization. May aasahan din daw na AstraZeneca vaccines simula sa susunod na buwan, ayon sa COVAX.