Advertisers
NILINAW ni Health Secretary Francisco Duque III na ipagbabawal ang pagkain at pag-inom sa loob ng mga sinehan upang maiwasan ang pagkalat ng covid-19.
Ito ay kasunod ng desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na payagan ang pagbubukas ng mga sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay Duque, maglalabas ng guidelines ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa pagbubukas ng mga sinehan.
“Kailangan talaga yung massive yung filtering capacity no ng sinehan para talagang malinis na malinis yung hangin… May mga ibang sakit din na puwedeng maibsan,” ani Duque.
Dagdag pa ni Duque, maayos na ventilation at air filter lang ang kailangan at tiyak na ligtas na ang pagbubukas ng mga sinehan.
Sumangguni narin aniya ang DOH sa epidemiologists upang mailatag ang ventilation requirements.
Samantala, mahigpit namang tinutulan ng Metro Mayors ang pagbubukas ng mga sinehan.