Advertisers

Advertisers

No covid vaccine, no MGCQ – Duterte

0 289

Advertisers

INANUNSYO ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi maaaring isailalim ang buong bansa sa modified general community quarantine hangga’t hindi pa gumugulong ang bakuna kontra Covid-19.
Ayon kay Roque, ang naturang direktiba ay ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga gabinete.
Kinikilala aniya ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng muling pagbubukas ng ekonomiya at ang impact nito sa kabuhayan ng mga tao subalit mas mahalaga aniya ang kalusugan at kaligtasan ng bawat Pilipino.
Nais din ni Pangulong Duterte na masimulan na ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccines upang mas lumuwag na ang community quarantine.
Matatandaang ilang Metro Manila mayors at governors sa mga lalawigan ang pumabor na ilagay sa mas maluwag na restriksyon ang buong bansa para muling mabuhay ang ekonomiya.
Kapag naging mas maluwag na ang community quarantine, ilang industriya ang papayagan nang magbukas para sa negosyo at marami muli ang magkakaroon ng trabaho. (Jack Castillo)