P15-B SOBRANG SINGIL NG MERALCO IPINABABALIK SA CUSTOMERS!

37

PINAMAMADALI ni Deputy Minority Leader at Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate sa Meralco ang pag-refund sa consumers nito ng natitira pang P15.1- billion.
Ayon kay Zarate, bukod sa P13.9-billion na over charging mula 2015 hanggang 2020 ay mayroon pang sobrang singil mula 2013.
Aabot kasi sa P29-billion ang refund na inoobliga mula sa Meralco mula 2013 hanggang 2018 at may natitira pang P15.1 Billion na dapat maibalik sa mga customers.
Umaasa na lamang si Zarate na hindi ito maging kaso na ibinigay ang mas maliit na refund para pagtakpan ang mas malaki pa dapat na makukuha ng mga consumers. (Henry Padilla)

Leave A Reply

Your email address will not be published.