Advertisers
HINIHIKAYAT ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga politiko na may mga tarpaulin sa iba’t ibang lansangan sa lungsod na kusang tanggalin ito.
Ayon kay Mayor Isko, nagiging katatawanan na kasi ng mga taga-Maynila ang mga tarpaulin.
Ilan sa mga nagkalat na tarpaulin ang ‘Run Sara, Run’ na humihikayat kay Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbong pangulo ng bansa.
Ayon kay Mayor Isko, mahirap para sa isang politiko ang walang attachment sa tao o sa nga botante. (Jocelyn Domenden)