Advertisers
WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng 30-anyos na empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakasilid sa sakong inabandona sa talahiban sa San Jose del Monte, Bulacan, noong Linggo, Pebrero 21.
Kinilala ang biktima na si Justine Charles Accad III, tubong Zamboanga at residente ng Marikina City.
Ayon sa ulat, nakabalot ng packaging tape ang ulo ng biktima at itinali ang kanyang mga kamay sa kanyang mga paa gamit ang kable.
Sa report, natuklasan ng isang basurero ang katawan ng biktima 3:00 ng hapon ng Linggo sa Barangay Kaypian.
Nawawala si Accad noong pang Pebrero 19, at huling nakitang umalis ng kanyang bahay patungo sa kanyang trabaho sa San Juan City Hall sakay ng kanyang kulay abong Honda Civic.
Positibong kinilala ng buntis na kinakasama ng biktima na si Jessa Muncada, at kanyang kapatid na si Jessica Accad, ang labi ni Accad.(James de Jesus)