Advertisers

Advertisers

Bgy. tserman sinapak ng SK councilor sa mediation

0 10

Advertisers

Arestado ang 25-anyos na babaeng Sangguniang Kabataan (SK) councilor nang suntukin ang 52-anyos na barangay chairman habang isinasagawa ang isang mediation sa Barangay Hall ng Barangay Dugoan, Sibonga, Cebu, Huwebes ng hapon, Hulyo 23.
Ayon sa Sibonga Municipal Police Station, nagsimula ang insidente sa alitan sa pagitan ng ina ng SK councilor at ng kaniyang bayaw kaugnay ng pananatili nito sa bahay ng kanilang pamilya.
Ipinatawag sa barangay hall ang magkabilang panig upang ayusin ang hindi pagkakaunawaan.
Sa gitna ng pag-uusap, ina-min ng bayaw ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin, subali’t iginiit ng ina ng SK councilor na dapat umalis na lang ito sa kanilang tahanan.
Sa kasagsagan ng mediation, nakialam ang SK councilor at hinarap ang kaniyang bayaw. Dahil hindi siya kabilang sa mga direktang sangkot sa usapin, hiniling ng barangay chairnan na lumabas ito sa barangay hall.
Makalipas ang ilang sandali, nagkaroon ng komo-syon sa loob ng barangay hall.
Habang sinusubukan awatin ang tensyon, sinuntok ng SK councilor ang barangay chair sa mukha.
Nagtamo ng mga gasgas sa mukha ang opisyal ng barangay at nasira rin ang kanyang salamin dahil sa insidente.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang SK councilor, habang nakatakdang magsampa ng reklamong direct assault ang barangay chairman laban sa salarin.