Advertisers
LUMOBO pa sa 55 mula sa dating 33 barangays sa Pasay City ang isinailalim sa localized enhanced community quarantine (lockdown) dahil sa paglobo ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa siyudad .
“As of this afternoon, we have 55 barangays under localized enhanced community quarantine…because nagkaroon po kami ng 21 additional barangays na nagkaroon ng three or more cases,” ani Pasay City Epidemiology and Surveillance Unit nurse Mico Llorca.
Nauna nang sinabi ng OCTA Research Group na tumaas ng 203% ang naitatalang arawang kaso sa syudad mula Pebrero 18 hanggang 20, kumpara sa mga nagdaang linggo.
Teorya ni Llorca na maaring ang United Kingdom variant ng COVID-19, na sinasabing higit na mas nakahahawa, ang dahilan ng pagsipa ng kaso ng virus sa kanilang syudad.
Dahil dito, mas hinigpitan pa ng lokal na gobyerno ang kanilang testing at contact tracing efforts.
Ipadadala rin nila ang ilang samples sa DOH para sa genome sequencing para makumpirma kung UK variant nga ang kumakalat na virus sa syudad.
Isa pa sa pwedeng dahilan umano ng pagtaas ng kaso ng COVID sa syudad ay ang kanilang lokasyon, dagdag pa ni Llorca.
Ayon sa Pasay public information office, mayroon nang 395 active cases nitong Pebrero 22.
Sa ngayon, kahit si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ay nahawa sa COVID-19 at kasalukuyang nagpapagaling pa, dagdag pa ni Llorca. (Gaynor Bonilla)