Advertisers

Advertisers

AstraZeneca vaccine darating narin – Sen. Bong Go

0 325

Advertisers

INIHAYAG ni Senador Christopher “Bong” Go na ang AstraZeneca vaccines mula sa COVAX Facility ay inaasahan darating sa bansa sa unang araw ng Marso, ngayon.
Dahil sa development na ito, sinabi ni Go na lalong tataas ang morale ng medical frontliners bilang prayoridad sa vaccines rollout.
Gayunman, may kalayaan pa rin silang makapamili kung anong bakuna ang kanilang tatanggapin.
“Another good news. Ang hinihintay natin, ang bakuna mula sa COVAX, darating na sa Lunes. Magkakaroon na po ng pagpipilian dahil ito pong darating sa Lunes ay galing sa AstraZeneca,” sabi ni Go.
“Nagkausap kami ni Secretary (Carlito) Galvez. Ang darating po ay 525,600 mula sa AstraZeneca. Ito ay mula sa COVAX Facility,” aniya.
Ide-deliver ang AstraZeneca vaccines, isang araw matapos ang pagdating ng Sinovac vaccines nitong Linggo.
Sinabi ni Go na nagawa niyang makahingi ng tulong kay British Ambassador to the Philippines na si Daniel Pruce noong Miyerkoles at tiniyak nito na gagawin ang lahat para mapabilis ang delivery ng AstraZeneca vaccines sa bansa mula sa United Kingdom.
Ibinalita rin ni Go na ang mga miyembro ng media ay nasa priority list na ng gobyerno sa national COVID-19 vaccination program, kasama ng iba pang sektor.