Advertisers

Advertisers

Senado ‘di na itutuloy ang pagdinig sa PNP-PDEA ‘shootout’

0 198

Advertisers

HINDI na itutuloy ng Senado ang nakatakdang imbestigasyon kaugnay sa naganap na shootout sa pagitan ng mga miyembro ng Quezon City Police District at mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) sa Quezon City.
Una rito, itinakda ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, chairman ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pagdinig bukas, araw ng Martes.
Gayunman, naglabas ang komite ng kanselasyon ng naturang imbestigasyon.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III ang pagpapaliban sa pagdinig ng Senado hinggil sa naturang insidente.
“Nagkaroon lang naman ng misinterpretation diyan. Ang itinawag ko kay Senator Dela Rosa na itawag na hearing ay ‘yung Senate Bill 3,” wika ni Sotto.
“Hindi ko naman pinaiimbestigahan ang insidente. Pagdating sa Palasyo, parang iimbestigahan ang insidente,” dugtong ni Sotto.
Matatandaang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na hayaan muna ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon. (Mylene Alfonso)