Advertisers

Advertisers

Vaccination sa 1.4-M health workers tatapusin sa loob ng 1 buwan – Sec. Galvez

0 174

Advertisers

TARGET ng National Task Force for COVID-19 na matapos ang pagpapabakuna ng 1.4 milyong health workers sa loob ng isang buwan upang higit silang makapagserbisyo ng walang takot na mahawa ng virus sa mga pagamutan.
Ayon kay Secretary Carlito Galvez sa programa sa Philippine General Hospital (PGH) pipilitin ng gobyerno na matapos ang lahat ng health workers sa buong bansa ngayong Marso.
Sa ngayon, ang donasyong 600,000 doses ng Sinovac vaccine pa lamang ang dumating sa bansa bagamat hindi pa tiyak ang petsa kung kailan darating ang iba pang inaasahang bakuna, tiniyak naman ni Galvez na maidedeliber na rin ang mga bakuna ng AstraZeneca at Pfizer sa susunod na mga linggo.
“We understand the challenge COVAX is facing because they are supplying the global community. Ang pagkakasabi nila, indefinite pero hopefully first quarter,” paliwanag ni Galvez.
Sinabi rin ni Galvez na 117,000 doses ng Pfizer vaccine na donasyon buhat din sa COVAX facility ang inaasahang darating sa Pilipinas sa ikalawang quarter ng taon. Habang ang Pfizer vaccine na inorder at babayaran ng gobyerno sa Pfizer ay mas mahuhuli na posibleng sa ikatlo o ikaapat na quarter pa ng taon darating.
Nagpasalamat naman ang kalihim dahil dumating na ang unang batch ng bakuna mula sa China at sinabi nito na kahit papaano ay natanggal ang ‘pressure’ sa kanila ni Health Secretary Francisco Duque III. (Jocelyn Domenden)