Advertisers
NANGHINGI na ng paumanhin si dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa kapwa Pilipina nitong kasambahay matapos niya itong pagmalupitan.
Kinumpirma ito ng naturang OFW na tumangging isapubliko ang kanyang pangalan.
Ayon sa naturang OFW, napatawad na raw niya si Mauro subalit ikinagulat naman ang naging desisyon ng Department of Foreign Affairs na sibakin ang naturang opisyal kasunod ng isinagawang imbestigasyon ng kagawaran.
Nagpaabot naman din ito ng kanyang pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte dahi lsa paglagda sa rekomendasyon na perpetual dismissal at pagtanggal sa lahat ng benepisyo ni Mauro. (Josephine Patricio)