Advertisers

Advertisers

PNP: Shootout ang pagkakapatay kay Mayor Aquino

0 387

Advertisers

PATAY ang alkalde sa Samar at tatlo pa nang makipagbarilan ang mga tauhan nito sa mga pulis sa Calbayog City, Samar Lunes ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino; Dennis Abayon, driver; PSSg Rodio B Sario, security escort; at SSg Romeo Cabococ Laoyon na nakatalaga sa Police Drug Enforcement Unit; habang sugatan naman sina Mansfield Labonete at PSSg Neil Matarum mula sa Cebu.
Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Debold Sinas, na isa si Mayor Aquino sa tatlong nasawi sa engkwentro.
Ayon kay Sinas, hindi pa kumpleto ang mga detalye ng insidente pero tiyak silang shootout ito at hindi ambush kagaya ng unang naiulat.
Sa report, 5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Labkyao Bridge, Barangay Lonoy, Calbayog City.
Ayon sa ulat, katatapos lamang maglaro ng tennis ng alkalde at pupunta sana sa birthday ng anak na lalaki lulan ng Toyota Hi-Ace Van nang sundan ng isang van.
Pagsapit sa nasabing lugar, pinaputakan ng grupo ni Mayor Aquino ang sumusunod na van.
Gumanti ng putok ang mga sakay ng sumusunod na van, na napag-alamang pawang elemento ng PNP-IMEG at PDEU.
“Ang mga pulis natin who were passing by, based sa initial findings ng mga pulis natin, ay binaril ng mga escort ni Mayor. Hindi nila alam na pulis ang nandoon sa loob, tapos ang mga pulis gumanti nalang,” ani Sinas.
Nauna nang sinabi ni PNP spokesman, Brig. Gen. Ildebrandi Usana, na ipinaiimbestigahan na ni Sinas kay Region 8 Police Director, Brig. Gen. Ronaldo de Jesus, ang pangyayari.
Bumuo na ang PNP ng Special Investigation Task Group (SITG) upang magsagawa ng masusing imbestigasyon upang alamin ang tunay na pangyayari sa insidente. (Mark Obleada)