Advertisers
BANGKAY na nang matagpuan ang 17-anyos na babae sa isang bakanteng lote sa Mexico, Pampanga.
Kinilala ang biktima na si Sandra Culcul, residente ng Barangay Pandacaqui, Mexico.
Sa report, nakita ang bangkay ng dalagita sa bakanteng lote sa Barangay Tangle na pinaniniwalaang pinagsamantalahan muna bago pinatay.
Ang biktima ay may sugat sa ulo at iba pang parte ng katawan, walang saplot pang-ibaba at nakataas ang damit sa dibdib.
Ayon sa kaanak ng biktima, may nakakita sa lugar na maraming langaw at nang sundan kungsaan ito nanggagaling doon na nakita ang katawan ng dalagita.
Kuwento ng mga kaanak, may binili lang ang biktima pero hindi na nakauwi pa.
Ayon sa pulisya, pinukpok ng matigas na bagay sa ulo ang biktima, dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Tatlong lalaki ang inaresto ng mga awtoridad at sinampahan ng reklamong murder.
Ipinaliwanag ng pulisya na hindi pa nila naisama ang reklamong rape dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng autopsy sa biktima.