Advertisers
PUMALO sa 8,019 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes, Marso 22.
Samantala ay mayroon namang naitalang 103 na gumaling at 4 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 12.1% (80,970) ang aktibong kaso, 86.0% (577,850) na ang gumaling, at 1.93% (12,972) ang namatay.
Kaugnay pa rin sa mabilis na pagtaas ng mga kaso sa bansa, nanawagan ang DOH na paigtingin pa ang pag-iingat upang maiwasan ang pagkalat pa ng sakit.
Ayon pa sa DOH, mainam na manatili na lamang sa loob ng bahay dahil ito ang pinakamaiging paraan para maiwasan ang pagkahawa-hawa. Lumabas lamang kapag may mahahalagang bagay na gagawin at dapat ugaliin ang wastong pagsusuot ng face mask, face shield upang tiyak na ligtas sa anumang virus, variant o mutation ng COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)