Advertisers

Advertisers

Listahan ng mayors na sumingit pabakuna isinapubliko, pinagpapaliwanag ng DILG

0 266

Advertisers

PINAGPAPALIWANAG na ng Department of Interior and Local Government ang limang mayors na naunang nagpabakuna kontra COVID-19.
Sa inilabas na listahan ni Undersecretary Epimaco Densing III, pinagpapaliwanag ang mga mayor kung bakit kailangan nilang suwayin ang IATF guidelines para sa mga babakunahan.
Kabilang sa mga mayor na may show order sina Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na nabakunahan March 22, 2021; T’buli, South Cotabato Mayor Dibu Tuan (March 19); Sto. Nino, South Cotabato Mayor Sulpicio Villalobos (March 19); Legaspi City, Albay Mayor Noel Rosal (March 16); at Bataraza, Palawan Mayor Abraham Ibba (March 22).
Sabi ni Densing, aalamin nila kung bakit ‘di sumusunod sa guidelines ang mga nabanggit na alkalde gayong hindi naman sila healthcare workers.
Nagtataka ang Densing kung bakit sinusuway ng mga alkalde ang guidelines gayong alam naman ng mga ito ang kaparusahan para rito.
Samantala, tumanggap narin ng AstraZenica vaccine ang Bise Alkalde ng Marikina City dahil sa pagiging doktor nito.
Ang pagturok kay Vice Mayor Marion Andres ay isinagawa sa Marikina City Sports Complex kung saan ang medical officer ng lungsod ang nangangasiwa sa kanyang pagbabakuna.
Agad naman itong ipinagtanggol ni Mayor Marcy Teodoro at sinabing kasama ang kanyang bise alkalde sa mga dapat tatanggap ng bakuna.
Bukod kasi sa pagiging Vice Mayor, nagpa-practice din bilang medical worker si Andres.
Ito rin, aniya, ang pinuno ng City Task Force on COVID-19 at isa sa mga nangungunang frontliners sa Marikina City, bukod pa sa may valid PRC license ang kaniyang bise.
Dagdag pa ng Marikina mayor, pinapayagan ng Local Government Code ang local legislators na mag-practice ng kanilang propesyon habang ginagampanan ang pagiging lingkod bayan sa anumang lokalidad. (Ernie Dela Cruz/Jonah Mallari)