Advertisers
KINUKUWESTYON ng mga galit na netizens si Samar 1st District Rep. Edgar Mary Sarmiento sa kanyang Facebook account kung bakit idinadawit ang Catbalogan City sa isyu ng pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronald Aquino.
Isang tinaguriang “peace caravan” ang umikot sa Catbalogan City bago inilibing si Aquino nitong Marso 24 sa Calbayog Memorial Park.
Si Aquino at limang iba pa ay nasawi sa umano’y “shootout” noong Marso 8.
Nakidalamhati ang netizens sa pamilya ni Aquino, ngunit kinuwestiyon nila ang motibo ni Sarmiento.
“Bakit kailangan dalhin pa dito samin sa Catbalogan? Grabe namang pamumulitika na yan!”, ayon sa komento ni netizen Jose Mariano.
Tanong naman ni Rudy Masinag, “Cong. Sarmiento, ang aga po ng pamumulitika ha, ano naman ang kinalaman ng Catbalogan at dito niyo pa dinala.”
“Anong kinalaman ng Catbalogan sa patayan sa Calbayog?”, ayon kay Alexander Baloy.
Isa pang netizen na si Elsea David ay nag-post na “Ha? Cong. Sarmiento wala pong kinalaman ang Catbalogan. Huwag po overkill!”
“Cong. Sarmiento, kawawa naman po ang Aquino family, gamit na gamit ninyo na. Tigilan ninyo na po,” dagdag ni Karl Guevarra.
Nag-post naman si Riza Benitez ng: “Mawalang galang po, bakit dito sa Catbalogan dinala. Over naman sa pamumulitika.”
“Parang mali. Bakit nga ba nandito sa Catbalogan, Cong. Sarmiento wag kang pa bida bida,” ayon kay Jay Aguilar.
Dagdag ni Mia Dela Pena, “Awit! Anong kinalaman ng Catbalogan sa patayan sa Calbayog?”
Iniimbestigahan pa ng Philippine National Police ang pagpaslang kay Aquino at iba pa.