Advertisers

Advertisers

Halos 800K Pinoy nabakunahan na kontra COVID-19

0 422

Advertisers

UMABOT na sa halos 800,000 Pilipino ang nabakunahan kontra COVID-19, kung saan mahigit 13,000 dito ay pawang mayroong comorbidities na naturukan na ng first dose.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang pulong balitaan na kabuuang 795,320 indibidwal na ang nabakunahan kontra COVID-19 hanggang noong Abril 3.

Sa naturang bilang, 765,871 ang mga medical frontliners, 16,121 ang mga senior citizens at 13,288 naman ang mga may comorbidities.



Mababatid na sa ilalim ng vaccination priority list ng pamahalaan, ang mga healthcare workers ang top priority, na sinundan ng mga senior citizens at iyong mayroong mga comorbidities.

Batay sa datos na inilabas ni Roque, natukoy na mayroong 2,669 vaccination sites sa bansa.

Marso 1, 2021 nang sinimulan ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination program nito, kasunod nang pagdating ng 600,000 doses ng CoronaVac vaccine mula sa Sinovac Biotech na bigay ng China.

Marso 4 naman nang dumating ang 487,200 doses ng COVID-19 vaccine mula British-Swede firm AstraZeneca na bigay ng Covax Facility.

Sinundan ito ng 38,400 doses pa, na dumating naman sa Pilipinas noong Marso 7.



Nakatanggap din ang Pilipinas noong Marso 29 ng isa pang million na binili ng bansa sa Sinovac. (Vanz Fernandez)