Advertisers

Advertisers

Carla ‘di pwede iwan ang showbiz kahit kasal na kay Tom

0 258

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMING tagahanga sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang nagulat nang ihayag ng dalawa na engaged to be married na sila at ang proposal ng kasal ay inalok ni Tom kay Carla noong nakaraang October 8, 2020 pa.

Mas maraming followers ang dalawa ang natuwa nang malamang magpapakasal na pala ang kanilang mga idolo bagama’t mayroon ding ilang bashers pero mas marami ang nagbigay ng kanilang pagbati sa dalawa.



May ilang fans naman ang may agam-agam kay Carla na baka may chance na iwan na nito ang showbiz pag kinasal na sila ng dyowa? Sinagot naman ito ni Carla sa kanyang socmed account.

“Wala kaming dapat i-let go because we have a lot of obligations, work obligations, marami kaming responsibilities pa and we have to fulfill all of those,” say ni Carla.



Dagdag pa ng Kapuso actress na kailangan pa rin niyang mag-work para matupad ang pangarap nila ni Tom na magkaroon ng sariling tahanan at makapagpundar para sa future family nila.

“Building a home together that would be new once we get married, papasukin namin ‘yun together. We will incorporate everything pati ‘yung wishes ng isa’t isa in terms of building a home.



“Of course, parenthood, eventually, building a family. Hopefully, it doesn’t get to the point that we have to sacrifice much of work to be able to build a family together, but that’s natural. Do’n naman din pupunta so, definitely, madami pang papasukin at haharapin together,” dagdag na say ni Carla.

Ayon sa Kapuso couple, plano nilang idaos ang kanilang classic-themed wedding ngayong taon kapag bumuti na ang sitwasyon.

***

HINDI talaga pwedeng kuwestiyunin ang kasikatan pero pwedeng batuhin ang bunga nito para malaglag.

At yan ang nangyayari ngayon sa lead male cast ng “The Lost Recipe” ng GTV at hit na sa televiewers, na si Kelvin Miranda  katambal si Mikee Quintos.

Laking gulat na lang ng aktor nang matanong siya sa isang programa sa GMA-7, ang isang isyung pinukol kay Kelvin noon nagsisimula palang siyang gumawa ng pangalan sa showbiz, ang tsikang naispatan daw siyang nagliliwaliw sa Hong Kong at may kasamang bading.

Laking gulat  ni Kelvin sa narinig na tanong sabay sabing hindi raw ito totoo. Natatawa pa nga niyang sinabi na hindi pa raw niya naranasan na magbiyahe palabas ng bansa kaya paano raw siya makikita sa Hong Kong na may kasamang beki kung hindi pa siya nakakatuntong sa nasabing bansa.

Pagdating naman sa kanyang personal na buhay, inamin ni Kelvin na may naging mga girlfriend na rin naman siya at sa bilang niya ay lima na lahat ito at pulos non-showbiz pero sa katunungan sa status ng kanyang lovelife, zero raw ito ngayon, as in single siya at available pero sa ngayon ay showbiz career na muna ang kanyang tinutuunan ng atensyon.

At nang matanong ang young actor kung ano ang hanap sa isang babaeng makakarelasyon, say ni Kelvin, gusto niya sa magiging gf ay yung susuportahan siya sa kanyang showbiz career.