Advertisers

Advertisers

Iwasan nang bumiyahe…

0 8

Advertisers

SOBRANG taas na ng krudo at gasolina.

Sa kasalukuyan ay pumapalo na sa P130 plus ang krudo at P110 sa Maynila, habang nasa P140 plus (krudo) at P120 plus (gasolina) sa mga probinsiya.

Tataas pa raw ito sa sunod na linggo, posibleng umabot sa P160 plus ang krudo at P140 plus ang gasolina.

Sa ganitong presyo ng naturang petroleum products, iwasan nang bumiyahe kung ‘di importante.

Hindi rin naman natin ito maisisisi sa gobierno. Dahil walang kontrol dito ang presidente, World market ang nagdidikta ng problema sa langis. Resulta ito ng digmaan sa pagitan ng magkaanib na Amerika at Israel vs Iran.

Ang numero unong sanhi ng pagkakulang ng suplay ng langis ay ang pagsara ng Iran sa Strait of Hormuz, ang waterway sa pagitan Persian Gulf at ng Gulf of Oman, sa noryh cost na sakop ng Iran, at sa south coast na sakop ng Musandan Peninsula at ng United Arab Emirates at Musandam Governorate.

Ang strait na ito ay may habang 104 milya at lapad na 60 milya.

Sa huling ulat, pinayagan na ng Iran ang mga barkong may bandera ng Pilipinas na dumaan, at ang pinagbabawalan nalang ay ang mga bansang kaanib ng Amerika at Israel.

Ang problema, maraming imbakan ng langis ang nawasak sanhi ng bombahan sa Middle East. Kaya kahit matigil na ang tensyong itong ay hindi parin kaagad maibabalik ang normal na suplay ng langis, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong Asya.

Asahan na sisirit pa ang presyo ng petroleum products, at matatagalan pa bago ito bumalik sa normal na halaga. Kaya mga motorista, iwasan nang bumiyahe kung ‘di importante. Mag-commute nalang muna.

Ito ang resulta ng giyera, lahat talo!

***

Ano kaya ang ibig sabihin ni Vice President Sara Duterte-Carpio na magkakaroon ng “bloodbath” sa impeachment trial laban sa kanya?

Ibig ba niyang sabihin sa bloodbath ay magkakaroon ng maramihang pagpatay, pagdanak ng dugo o masaker? Ito kasi ang kahulugan ng salitang ito.

Kung ito ang ibig niyang sabihin, anong klaseng Bise Presidente siya? Babae pa naman siya pero ang puros bayolente ang nasa kokote. May sayad lang ang ganitong klaseng tao. Hindi karapat-dapat maging lider ng bansa. Mismo!

Iginigiit ng kampo ni Sara at niya mismo na wala siyang ginawang mali mula nang siya’y maging bise alkalde, alkalde at presidente. Hindi raw siya nagnakaw ng pondo ng publiko.

Kung tunay ang sinasabi niyang ito, bakit hindi niya harapin ang impeachment, patunayan niyang siya’y malinis na opisyal, at ito na ang kanyang pagkakataon na ipahiya ang mga nag-aakusa sa kanya. Oo! patunayan niyang lahat ng inaakusa sa kanya ay gawa-gawa lamang.

Tulad ng paulit-ulit na inaakusa ni dating Senador Antonio Trillanes na may P50 to P60 milyong pumapasok sa bank account niya kada ilang buwan. Ito raw ay galing sa droga at iligal na POGO.

Ilang presidential advisers kasi noon ng kanyang ama, Rody Duterte, ay inakusahang drug lords tulad nina Michael Yang, Sammy Lim, Peter Lim at ilan pang Chinese nationals na dikit sa Duterte noong nasa Malakanyang sila.

Lahat ito ay mabubuksan sa impeachment. At ito ang ayaw mangyari ng Duterte. Kaya nagbanta sila ng “bloodbath”.

Magpapatuloy ang impeachment “mini-trial” sa Abril 14.