Advertisers
ARESTADO ang isang security guard nang makuhanan ng nagkakahalaga ng P21.2 million shabu ng mga elemento ng Ninoy Aguino International Airport Inter-Agency Drug Interdection Task Force Group (NAIA-IADITG) sa NAIA, Pasay City noong Biyernes.
Kinilala ang naaresto sa alias “Lito”, 62 anyos, security guard ng Tacloban City.
Naaresto ang sekyu 4:10 ng hapon sa isinagawang secondary inspection area ng Custom Internatio Arrival Area NAIA Terminal 1 nang dumating ng bansa mula sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nadiskubre ng mga otoridad ang iligal na droga na nakalagay sa isang kulay green at itim na Forclaz backpack na dala ng sekyu.
Ang shabu na may timbang na 3.120 grams na nagkakaha-laga ng P21.216 million na nakalagay sa apat (4) na plastic bag na nakabalot ng packing tape at carbon paper na naka-tago sa loob ng back pack.
Nakumpiska rin sa kanya ang multiple identification cards, Philippine passport, boarding pass, baggage claim stub at cellular phone.(Mark Obleada)