Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
DAHIL isang pulitiko ang papel ni Gardo Versoza sa top-rating GMA series na First Yaya bilang si Speaker of the House Luis Prado at dahil malapit na ang eleksyon, tinanong namin si Gardo kung wala ba siyang plano na tumakbo sa eleksyon sa susunod na taon.
Dati na namin itong itinanong kay Gardo at tulad ng sagot niya dati, ayaw niyang tumakbo sa anumang puwesto sa pulitika kahit may mga humihikayat sa kanya,
“Hindi ako talaga … parang masaya na ako na, like dun sa bike group namin kahit nag-aambag-ambagan lang, may natutulungan kayo, kesa yung parang, kumbaga maraming eksplanasyon.”
Paano naman kapag may mga pulitiko o Presidentiable candidates na lalapit sa kanya para iendorso o ikampanya niya sa pamamagitan ng sikat at viral na Tiktok account ni Gardo?
Papayag ba siya?
“Alam nyo yung sa ngayon, para kasing siguro kung mapapayag man, parang meron din akong paglalaanan kung sakali, e. Kasi like parang in the past medyo hindi ako gaanong ano kasi nga mahirap dahil parang, di ba pag may sinuportahan ka kailangan talagang buung-buo yung pagkabilib mo sa kanya, e.
“So sa ngayon parang if ever man na kung may lumapit, and then parang magkasundo kayo, parang automatic yun, like kung hindi man parang institusyon na ano, may mapupuntahan kaagad kumbaga yung ano kung sakali.”
Kung “if the price is right?”
“Oo parang sa ngayon kasi wala na e, kumbaga, parang sa ayaw mo’t sa gusto, hindi mo na basta-basta mababago yung sistema, di ba?”
***
HINDI nang-iwan sa ere si Maxine Medina!
Maayos ang naging hiwalayan nila ng ABS-CBN; may prangkisa pa ang naturang TV station nang lumipat si Maxine sa GMA, Disyembre ng 2019, kaya hindi siya maaaring akusahan ng kahit na sino na umalis siya sa Kapamilya Network kung kailan ito nawalan ng prangkisa.
Sa First Yaya ng GMA ay gaganap si Maxine bilang si Lorraine Prado na mang-aapi kay Sanya Lopez (bilang bidang karakter na si Melody Reyes).
Leading man naman sa naturang teleserye si Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta); at kasama rin nila sina Pancho Magno (Conrad Enriquez), Pilar Pilapil (Blesilda Acosta), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Sandy Andolong (Edna Reyes).
Ipakikilala naman sa First Yaya ang tandem nina Cassy Legaspi (Niña Acosta) at Joaquin “JD” Domagoso (Jonas).
Dahil si Maxine ay Binibining Pilipinas-Universe 2016 title-holder, tinanong namin siya kung ano ang pagkakaiba ng pagiging isang beauty queen at pagiging isang aktres.
“Actually ang difference po kasi ng pageant and being an actor is that you have more time to… aralin lahat kung ano’ng kailangan mong gawin.
“Like, kunyari, sa role ko, this is new to me e, being a kontrabida. So may time ako para aralin siya. Pero compared to pageants, pageants, you have minimum time like to, give it all. Just one snap, kailangan mabigay mo talaga lahat.
“Walang mali, kailangan perfect, everything. So one time, big time siya. But being an actor, it takes a lot more time to, like being into that role na binibigay sa iyo.
“So for me, nae-enjoy ko siya ngayon kasi iba-ibang role yung nabibigay sa akin.
“Like now, sobrang happy ako and blessed kasi ang dami ko ding natutunan. Since, ako po kasi yung taong, like, ang hirap magalit, ang hirap magbigay ng thoughts kasi very careful po ako, compared to my role now, is sobrang galit ako, insecure ako, tapos nilalabas ko talaga lahat.
“Well sa lahat ng ginagawa ko dito is with the help of direk LA.
“Natututunan ko siya along the way. Iyon po.”
Si Maxine ay nasa pangangalaga ng Mercator Artist & Model Management at Empire.PH ni Jonas Gaffud.
Samantala, nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Kakai Bautista (Pepita), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.
Ito ay sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen at napapanood Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi.