After 3 girls… Patrick boy na ang pang-apat na anak; Baron natagpuan si Lord sa Cebu

54

Ni ROMMEL PLACENTE

TATLO na ang anak nina Patrick Garcia at Nikka Martinez Garcia na pawang babae, sina Michelle, Patrice, at Pia.

Nakatutuwang malaman na ang ipinagbubuntis ngayon ni Nikka ay isang baby boy. Yes! Magkakaroon  na rin ng anak na lalaki sina Patrick at Nikka. At siguradong gwapo na lalabas ang kanilang baby. Gwapo naman kasi si Patrick. At  kahit isa na nga siyang daddy ay hindi tumatanda ang kanyang hitsura.

Sa pamamagitan ng kanilang vlog na The Garcia Family, in-announce nila rito last month, sa harap ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan, na lalaki ang gender ng kanilang 4th child.

“So, we’re having a baby boy! Yey!,” sabay na sabi nina Patrick at Nikka.

Sobrang happy ang magandang si Nikka sa paparating na baby nila ni Patrick

“We can’t thank the Lord enough. Sobra sobrang good ng Panginoon. This is so personal to me kasi parang grinant niya talaga ‘yung desire ng heart ko. I just continue to pray that we continue to be good stewards, you know, good parents, who will raise these children up to learn to love God with all of their hearts. We are so excited,”sabi ni Nikka.

Samantala, namimili na ng boy stuff si Patrick bilang preparation sa kanilang baby boy.

“Kung naging girl yung baby namin, wala kaming problema kasi ang daming naming girls stuff. But, of course, now we are having a boy so we have to prepare for that,” sabi naman ni Patrick.

May nakahanda nang pangalan na ibibigay sina Patrick at Nikka sa kanilang baby boy. Enrique Pablo ang napili nilang pangalan.

To Patrick and Nikka, my congratulations!

***

SA guesting ni Baron Geisler sa You Tube channel ni Toni Gonzaga kamakailan, sinabi niya na sa Cebu na siya nakabase.

“3 years na ko nakatira sa Cebu. And I loved it. Why? Because that’s where I found God or I could say, that’s where God found me. Du’n din nag-mature, nag-progressive, nagbabago.

“I learned a lot of things. And then I met my wife. Now I have kids. Tuluy-tuloy na. May business na rin ako roon,” sabi ni Baron.

Pagkarinig ni Toni sa sinabing ‘yun ni  Baron, nag-comment ito ng ‘Parang this is the new Baron. Pero ayon sa aktor, “I’m still Baron. But I’m a better version of that guy. I could say that I’m a better version now. First of all, having kids, I wouldn’t want anything to happen to them. As much as possible, I want to behave, stay away from troubles. Ayoko ng enemies. I want my little Talitha to, parang..not naman idolizing me but to be proud of me ‘that’s my dad’. Also I want my wife to be happy. Happy wife, happy life.”

Ang asawa ni Baron ay si Jamie Evangelista  na isang psychologist. Na-meet niya ito sa isang rehabilitation center noong na-rehab siya rito.

Sa interview na yun ni Baron with Toni, ramdam namin na talagang nagbago na siya mula nang natagpuan niya na si Lord. Wala na nga tayong nababalitaan na nasasangkot siya sa gulo unlike before. Siguro, nakatulong din na meron na siyang sariling pamilya, di ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.