Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SARAP daw sa pakiramdam na lantaran na ang pagpo-post ng couple sa kanilang socmed.
Kung dati eh patago pa sina Gerald Anderson at Julia Barretto na ilantad ang tunay na estado ng kanilang relasyon, ngayon naman ay super mega post na ng pics ang dalawa.
Easter Sunday ay kita ang masayang pagsasama ng celebrity couple kasama rin ang magdyowa na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.
Isa lang naman ang nasabi ni Gerald na masarap nga raw sa feeling at ang gaan ng dating.
Malaking tulong nga raw itong pagsisiwalat ni Gerald na dyowa na nito si Julia.
Dagdag pa ng aktor eh para raw siyang nabunutan ng tinik na nakatarak sa kanyang dibdib.
At ngayon nga raw na lantad na ang kanilang relasyon ay wala na raw agam-agam ang magdyowa sa kanilang mga post dahil alam na ng netizens na magkasintahan sila.
***
Angeline nagpaalala na mag-ingat sa Covid-19
SA lock in taping ng singer-actress na si Angeline Quinto nga raw nito nakuha ang killer virus.
Mmay nakasabay daw itong positibo sa sakit.
At dahil doon isa na rin siya sa pinauwi para magpahinga at mag-self-quarantine.
Patuloy naman sa pakikipaglaban si Angeline sa Covid 19 na may kasamang dasal.
Sa kanilang lock in taping eh lagi raw ito nagpapaalala na mag-ingat pero ang singer-actress pala ang ‘di nakapag-ingat.
Pero nagpasalamat na ito sa kanyang socmed na nagkaroon na nga raw siya ng panlasa at pang amoy.
Kaya thankful sa Itaas at unti-unti si Angeline sa kanyang recovery sa pakikipagbuno sa Covid-19.
Isa naman kasi sa sintomas ng sakit kapag tinamaan ng Covid-19 ay itong walang panlasa at walang pang amoy.
Well, well, well…’Yun na!