Advertisers

Advertisers

HELP! NTC PASAKLOLO SA SC vs P2.5-B NOW TELECOM PENALTY

0 478

Advertisers

NANAWAGAN kahapon ang Infrawatch PH sa National Telecommunications Commission (NTC) na magsampa ng Motion for Early Resolution sa Supreme Court para pinal na maresolba ang apela ng NOW Telecom na humihirit ng rekonsiderasyon sa desisyon ng Court of Appeals noong 2009 na kumakatig sa letter-assessment ng NTC para pagbayarin ng P126,094,195.67 supervision and regulation fees at P9,674,190.00 spectrum user fees ang Next Mobile Inc. na ngayo’y gumagamit ng pangalang NOW Telecom Company, Inc.

Sa isang statement na ipinalabas ni Terry Ridon, Infrawatch PH convenor at dating House legislative franchises committee member, idiniin nito na ngayong tumitindi ang coronavirus crisis, lahat ng kontribusyon ng bawat ahensya sa pondo ng bayan ay isang pangunahing obligasyon.

Kung mareresolba, aniya, ang apela ng NOW ay makakatanggap ang gobyerno ng karagdagang P2,566,410,944.99 (P2.566 billion) na bagong pondo na magagamit laban sa pandemya.



Ito ay base narin sa sulat ng NTC sa NOW Telecom noong Oktubre 12, 2020, kungsaan nakasaad ang standing financial obligation ng naturang kumpanya sa regulator. Ang halagang ito ay sapat na para mabigyan ng subsidiya ang may 641,500 households kaya hindi dapat maliitin ang kahalagahan ng inisyatibang ito.

Ayon pa kay Ridon, binanggit ng Commission on Audit sa 2019 annual report nito ang isyu tungkol sa ipinoprotestang receivables ng NTC na umaabot sa P3,304,104634.36 (P3.304 billion) kungsaan tanging apat na kaso ang nasasaklaw ng P3.216 billion o 97.3-porsiyento ng kabuuang halaga.

Sa kabuuang receivables ng NTC, ang obligasyon ng NOW ay halos 77.7 percent ng kabuuang receivables ng regulator kaya naman mahalaga na maaksyunan na at maresolba ang apela sa SC. “Relating NTC’s total receivables to NOW’s account, the telco’s obligations constitute at least 77.6-percent of the regulator’s total receivables. As such, resolving the SC appeal is imperative, not only from a revenue standpoint, but also from an audit standpoint,” pahayag ni Ridon.

Kaugnay nito, hinikayat ni Ridon ang SC na agad aksyunan ang naturang isyu para maharap na ng regulator ang iba pa nitong receivables na umaabot sa P650 milyon.

“Bawat piso na puwedeng maibahagi ng bawat ahensya sa laban ng pamahalaan sa coronavirus ay napakahalaga. Kung makokolekta ang natitirang P650 milyon, ang halagang ito ay magbibigay sa gobyerno ng pondo para sa 162,500 pamilya,” ayon pa kay Ridon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">