Advertisers

Advertisers

MECQ ‘WA EPEK! COVID CASES LALO TUMAAS

0 289

Advertisers

SA kabila ng ipinapatupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), mas tumaas pa ang infection rate sa Metro Manila, ayon sa Octa Research Team.

Dahil dito, lubhang naalarma si Prof. Guido David dahil tila hindi umano epektibo ang MECQ.

Paliwanag ni David, noong magpatupad ng ECQ ay bumaba ng 20% ang infection rate sa Metro Manila subalit nang ibaba ito sa MECQ ay tumaas pa ng 3% ang infection rate.



Dagdag pa ni David, pag-aaralan pa nila ang mga datos at alamin ang sanhi ng mataas pa rin na covid cases sa kabila ng ipinapatupad na MECQ.

Posible rin umano na may backlog ng covid cases kaya ngayon lang ito nakasama sa datos.

“If it’s not working as well as it should be, we can consider several options. We can increase certain restrictions. Kung ano ‘yun [whatever that is], it has to be discussed in detail kasi maraming restrictions ang na-ease [because a lot of restrictions were eased] during the move from ECQ to MECQ,” ani David.

Samantala, pinaliwanag din ni David na may ibang formula na ginagamit ang kanilang grupo sa pagdetermina ng Case Fatality Rate, kung kaya lumabas sa kanilang datos na 5.36% ang CFR noong Abril 15 habang 1.46% naman sa tala ng Department of Health (DOH). (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">